Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine may problema kaya nagpaputol ng buhok?

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINABI ni Sunshine Cruz na ang kanyang short hair ay dahil sa isang seryeng ginagawa niya ngayon. Matapos na basahin ang script at pag-aralan ang personalidad ng character na kanyang gagampanan, kumbinsido rin si Sunshine na kailangan ngang short hair siya. ”Parang bagay sa character,” sabi niya.

Iyon din ang tumapos sa mga bulong-bulungan, na ”baka may hindi magandang development sa kanyang love life kaya siya nagpaputol ng buhok.” Ewan nga ba kung bakit, pero kadalasan iyang pagpapaputol ng buhok ng isang babae ay ina-associate sa pagkakaroon ng problema sa love life.

“Pero sa kaso ng isang artistang kagaya ko, normal na lang yata iyong pabago-bago ng hitsura o paiba-iba ng buhok. Depende na kasi iyan sa character na ginagampanan namin eh. Iyong iba nga talagang maikli na lang ang buhok kasi sabi nila mas madali ang maglagay ng extention kung kailangan. Maski make up, puwedeng isangbrand lang talaga ang make up namin, kung saan ka hiyang eh, pero iyong ina-apply mo naiiba depende rin sa role na ginagawa mo. Naka-depende kami sa roles eh,” sabi niya.

Nakarating ba sa kanya iyong sinasabi ng mga “Marites” na baka may trouble siya sa lovelife kaya siya nagpaputol ng buhok?

Natawa si Sunshine bago sumagot, ”naka-lock in taping kasi ako kaya hindi ako aware sa sinasabi ng mga Marites. But I would like to assure everyone, wala kaming problema ni Macky. Wala akong kahit na anong problema sa ngayon. Tapos na iyong panahong puro problema ako. Bakit ko nga ba gagawing problema iyong hindi ko naman dapat na isipin?

“Tapos na iyong panahong lahat na lang problema ko. Basta ngayon alam kong ayos ang buhay ng mga anak ko, wala na akong ibang concern. Iyong sarili ko naman kaya kong pangalagaan. Alam ko kung ano ang gusto ko at alam ko kung ano ang priorities ko. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon. Wala na akong iniisip na iba pang kung ano-ano,” sabi ni Sunshine.

Lately may lumabas na nakipag-kita raw si Cesar Montano sa kanilang mga anak.

“Alam ko iyon at ok naman iyon. I don’t want to deprive my children or their father the attention that they should have from each other. Hindi ko naman mababago kung sino tatay nila. Hindi ko naman maikakaila iyon. Mas ok naman iyong maganda ang relasyon nila, dahil lang may problema kami, hindi naman sila,” sabi ni Sunshine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …