I-FLEX
ni Jun Nardo
BAKBAKAN sa aktingan sina Maricel Laxa, Sunshine Cruz, at Barbie Forteza sa TV version ng movie franchise ng Regal na Mano Po.
Titled Mano Po Legacy: Family Fortune, ito ang unang pasabog ng GMA sa 2022.
Kina Maricel, Sunshine, at Barbie, tanging si Maricel lamang ang naging bahagi ng Regal movie franchise.
Proud and honored si Barbie na makasama sa TV series habang si Shine, fulfilled ang wish niyang maging bahagi ng franchise sa TV na hindi niya natikman nang maging movie ito.
Kasama rin sa movie si Boots Anson Roa na limang beses nakasama sa Mano Po movie.