Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Bermundo

Marianne Bermundo itinanghal na Little Miss Universe 2021

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI man naiuwi ng ating pambato na si Beatrice Luigi Gomez ang korona sa katatapos na Miss Universe 2021, wagi naman ang pambato ng Pilipinas sa Little Miss Universe 2021. Naiuwi ni Marianne Bermundo ang korona at titulo sa katatapos beauty pageant na ginanap sa Georgia, Europe.

Kuwento ni Marianne sa selebrasyon ng kanyang pagkapanalo na ginanap sa Sangkalan  Restaurant, Visayas Avenue, Quezon City last Dec. 12, matindi ang ginawa niyang paghahanda  para maiuwi ang kauna-unahang Little Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang idol ni Marianne at naging inspirasyon nang lumaban sa Little Miss Universe 2021.

Bukod sa pagwawagi ng cash prize, korona, at sash, at special awards (Best in National Costume & Best In Fashion Show), wagi rin ito sa mga bagong mga kaibigan mula sa iba’t ibang bansa na nakatunggali sa Little Miss Universe 2021.

Nagpapasalamat si Marianne sa kanyang very supportive parents na sina Mr. Mark Donald and Mrs Virginia Bermundo, Allen Castillo (trainor), at sa National Director ng Little Miss Universe Philippines na si Adrian Stephen Cabuhat sa paggabay at pagsasanay sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …