ni John Fontanilla
MALAKI ang pang-hihinayang ng mga Pinoy na ‘di nasungkit ni Beatrice Luigi Gomez ang ikalima sanang korona ng bansa sa Miss Universe na puwesto lamang sa Top 5 kasama sina Miss Paraguay, Miss India, Miss Colombia, at Miss South Africa.
Kung hindi lang kinabahan at nag-buckle si Bea sa kanyang sagot sa katanungan ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, malamang nakapasok ito sa Top 3 at may chance na maiuwi ang 2021 Miss Universe Crown.
Pero saludo na rin ang mga Pinoy sa magandang laban na ipinakita ni Bea na mula sa 80 Candidates ng Miss Universe ay umabot sa Top 5, kompara last year kay Rabiya Mateo na hanggang Top 21 lang.
Pinuri rin ng Netizens ang magandang National Costume nito na may temang “Bakunawa” at ang Gold Long Gown nito na gawa ni Francis Libiran.
Sigaw ng mga Pinoy, bawi na lang next year (2022) at piliin ang kandidatang ipadadala na katulad ni Catriona Gray, Miss Universe 2018, na mahusay sumagot at walang kaba sa Q & A.
Nagwagi bilang Miss Universe 2021 si Miss India at 1st Runner up si Miss Paraguay, at 2nd runner up si Miss South Africa.