Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno

Yorme manalo-matalo win-win ang industriya

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAGANDA iyong sinabi ni Yorme Isko Moreno, na kung siya raw ay hindi mananalong presidente ng Pilipinas sa eleksiyon sa susunod na taon ay magre-retiro na siya sa politika. Aasikasuhin naman niya ang matagal na niyang atraso sa kanyang pamilya, na hindi niya halos makasama dahil sa trabaho niya.

Baka makumbinsi rin si Yorme na bumalik sa industriya ng pelikula. Aba iyang mga ganyang tao ang kailangan natin, iyong alam kung ano ang pelikulang kikita, at maaaring mamuhunan. Ang mga tao sa industriya ngayon, una hindi alam kung anong pelikula ang commercially viable, kaya walang ginawa kundi sisihin ang mga sinehan. Ikalawa, puro lang daldalan wala namang puhunan.

Palagay namin, win-win situation ang industriya, Kung manalo siya malaking bagay iyon sa industriya. Kung matalo naman siya, eh ‘di magbalik na nga lang siya sa industriyang nag-angat sa kanyang buhay.

Si Yorme ay hindi lang pinasikat, marami rin naman siyang natutuhan kay Kuya Germs noong araw at magagamit niyang lahat ang mga natutuhang iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …