I-FLEX
ni Jun Nardo
TULOY pa rin ang paggawa ng bioflick ni Mother Lily Monteverde. Ito ang ipinagdiinan ni Direk Erik Matti sa first year ng streaming platform na Upstream.
“Once na maging maayos na ang lahat, gagawin pa rin namin ang kuwento ng buhay ni Mother na malaki ang naging tulong sa movie industry,” saad ni direk Erik.
Sa totoo lang, nag-one year ang streaming app na itinatag nina direk Erik at ng kaibigang Dondon Monteverde, ang UpStream. Ipinalabas na rito ang ginawa nilang A Girl and A Guy na nag-number one sa Netflix.
Sa ngayon, napapanood sa Upstream ang thriller na Rabid.