Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GF ni TJ Villarama tumalak, unfair treatment sa BF iniangal

HATAWAN!
ni Ed de Leon

BAGO pa naman nagkagulo riyan sa reality show nila, sinasabi nang mukhang pinag-iinitan ng mga basher at gusto nang patalsikin ang komedyanteng si TJ Villarama riyan sa bahay ni kuya. In

fact, noon pa ay nakausap na namin ang kapatid ng kanyang girlfriend na si Cherry, na pinatawag naman sa amin ng kaibigan naming si Kite Lopez dahil nagtatanong nga sila kung ano ang dapat gawin sa mga basher ni TJ.

Noon pa man, ang feeling nila ay pinababayaan ng show ang bashers para sila magkaroon ng controversy at the expense of the housemates. Lumala ang problema nang lumabas pa ang mga video na si TJ daw ay masyadong “touchy” o sa madaling salita ay “chuma-chancing” sa mga kasamang babae sa bahay ni kuya.

Pero hindi ganoon ang tingin ng mga housemate na nakasama niya, na nagsabing wala iyon sa kanila dahil ang tingin nga nila kay TJ ay parang kuya nila, at hindi nila binibigyang malisya ang ginagawa niyon. Pero tinitira nga ng mga basher si TJ at nagpipilit na palabasin nang pilit iyon sa bahay ni kuya.

Noong lumala na ang problema na pati ang ilang womens’ groups ay nakikisawsaw na, nilinaw naman ng PBB na hindi chumachancing si TJ.

Pero nag-react na ang girlfriend niya at nag-post sa social media. Unfair daw ang show kay TJ, oo nga at ipinagtanggol din

nila, pero hinayaan nilang lumaki muna ang controversy para pakinabangan ng kanilang internet show. Hindi na raw inisip ng mga producer ang nanay ni TJ na may sakit. Hindi na rin daw inisip na ang binabash at sinasabing bastos ay may mga kapatid na babae, at higit sa lahat pinalaki siya ng tatay niyang may takot sa Diyos. Sinabi pa ng girlfriend na mabuti pa nga lumabas na si TJ sa bahay ni kuya kaysa sinisiraan pa rin siya para maging kontrobersiyal ang show at kumita iyon.

Mabigat ang akusasyong iyon ng girlfriend ni TJ, pero hindi mo naman siya masisisi. Muhang obvious nga na noong magsimula

ulit iyang PBB, naghanap sila ng mga controversy talaga para uminit ang show. Nauna riyan inilabas nila ang pag-amin ni McCoy de Leon at Elisse Joson na may anak na sila. Hindi uminit iyon at hindi masyadong napansin. Isinunod nila ang mga maaanghang na statement ni Albie Casino laban kay Andi Eigenmann, na sa totoo lang nakasira rin kay Albie, na

pinatalsik din naman nila. Hindi rin nagkaroon ng effect iyon. Ngayon

naman ang controversy kay TJ. Palagay namin mas magiging kontrobersiyal iyan kung gumawa sila ng biglang desisyon na isara na lang ang bahay ni kuya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …