Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Jeric Gonzales Kim Rodriguez

Rabiya halos tumabingi ang mukha sa lakas ng sampal ni Kim

MATABIL
ni John Fontanilla

MAHILO-HILO at halos tumabingi raw ang mukha ng 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa lakas ng sampal ni Kim Rodriguez.

Naganap ang pananampal ni Kim sa isang eksena sa Wish Ko Lang na pareho silang guest.

Pero bago kunan ang eksena ay nag-usap na sina Kim at Rabiya. Sinabi ni Rabiya kay Kim na totohanin ang sampal para makahugot siya at maging makatotohanan ang madramang eksena.

Pero aftet ng scene, nag-sorry agad si Kim kay Rabiya dahil nga  nadala siya sa eksena at napalakas ang sampal niya sa beauty queen.

Kuwento nga ni Kim, “Sa story kasi nag-aagawan kami ng jowa ni Rabiya, bale pinag-aagawan namin dito si Jeric Gonzales, tapos may may eksena na sasampalin ko siya kasi mahal niya rin ‘yung taong mahal ko.

“So nag-usap kami if paano namin dadayain ‘yung sampal para walang masaktan. Nagulat na langa ako nang sabihin niya na totohanin ko ‘yung sampal para makahugot siya.

“Kaso medyo nadala ako sa eksena napalakas yata ‘yung sampal ko, pero nag-sorry naman ako sa kanya pagkatapos ng eksena.

“Nakabibilib si Rabiya kasi ramdam na ramdam ko na gusto talaga niya mag-artista. Nasa isang sulok lang siya nagbabasa ng script at nagtatanong tungkol sa pag-arte. Bukod sa masarap siya kasama kasi mabait at game na game ‘pag niyaya ko mag- Tiktok.

“At saka bilang baguhan mahusay siyang umarte at talaga namang pinag-aaralam niya ‘yung role niya,” pagtatapos na pahayag ni Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …