MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang naging selebrasyon ng 45th birthday ng singer-beauty queen-entrepreneur turned Pageant National Director na si Ma. Charo Calalo last Monday, November 8 na ginanap sa Simon’s Supreme Bar and Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Suot ang kanyang pink sexy pastel color dress, lumutang lalo ang ganda at kaseksihan ng dating That’s Entertainment (Monday edition) at Mrs Universe Philippines President.
At sa mismong kaarawan nito ay ipinarinig ni Charo ang kanyang tatlong bagong awiting pop songs, ang Mahal na Kita Here to Stay at Christmas song na Halina Tara Na na hatid ng Alakdan Records.
Dumalo sa kaarawan ni Queen Charo ang ilan sa miyembro ng kanyang pamilya, close friends, pageant at entertainment media, co-That’s Entertainment members, at winners ng Mrs Universe 2021 na nakatakdang lumaban sa Mrs Universe 2021 sa Korea bago matapos ang taon.