MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY na ipinagdiwang ng Intele Builders and Development Corporation ang kanilang 35th anniversary, ang Years of Quality Service in the Telecommunications Industry. Ang Intele Builders and Development Corporation ay pag-aari ng mag-asawang Pedro Bravo (president) at Ma. Cecilia Bravo (vice president).
Kasamang nagdiwang ng kanilang ika-35 taon ang mga anak nilang sina Jeru, Maricris, Miguel, at Matthew na ginanap sa Gazebo Royale sa Visayas Ave., Quezon City na may temang Tropical.
Sina John Nite ng dating Walang Tulugan with the Mastershowman, Ima Castro, Sephy Francisco ng I Can see Your Voice & X Factor UK, at Barangay LSFM 97.1 DJ Janna Chu Chu ang mga nag-host. Espesyal na panauhin naman ang tinaguriang Suklay Diva na si Katrina Velarde, Pop Royalty Daryl Ong, actress/singer Dea Formilleza, Bravo’s Angels, at Showboyz.
Kasabay ng anibersyo ng Intele ang pagbibigay ng parangal sa mga supplier, bank, at partners.
Tumanggap din ng parangal ang mga tauhan ng Intele na nagpakita ng dedikasyon, sipag sa trabaho, malasakit, at loyalty sa kompanya. Tumanggp ang mga ito ng tropeo at cash.
Guest speaker ang sa pagdiriwang ang Presidential candidate at Ama ng Lungsod ng Maynila na si Yorme Isko Moreno na pinagkalooban ng Plaque of Appreciation.
Dumalo rin sa anibersaryo ang Globe executives headed by Efren “Boss E” Muñoz, Mr. Jojo Tulay, Mr. Sherwin Navarro and Mr.Gary Partosa.
Present at sumuporta rin ang kanilang pamilya, kamag-anak, at mga malalapit na kaibigan na sina Hazel “Mamita” Amante, Marita Bamaban, Danilo Amante, Lita Amante Parel, Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Erinda Sanchez, Benjamin Montenegro, Mark Lua, Anthony Serrano, Michael Alfonso, Isagani Acueza, Ralston Segundo, Catherine Montero Sicam, Xiantel Montenegro, Conrado Besas, Atty Elizabeth Dela Rosa Besas, Atty. Christian Corbe, Arlene Ong, Wilson Ong, Wilbert Tolentino, Raymund Jumaoas, Frankendal Fabroa, Aian Lazaro atbp..