Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heber Bartolome

Iconic singer/songwriter Heber Bartolome pumanaw na sa edad 73

HATAWAN
ni Ed de Leon

KINOMPIRMA ng kanyang kapatid na si Jessie, na yumao na nga ang iconic singer songwriter na si Heber Bartolome noong Lunes ng gabi, Nobyembre 15. Si Heber ay 73 years old na. Sa kuwento ng kanyang kapatid, tinawagan daw siya at sinabing isusugod nga si Heber sa ospital dahil nawalan ng pulso. At matapos lang daw ang 15 minutes ay nakatanggap ulit siya ng tawag na wala na nga si Heber.

Inatake raw si Herber, at ang suspetsa niya iyon ay dahil na rin sa dati ng sakit niyon na prostate cancer. Hindi pa rin maliwanag kay Jessie ang mga nangyari hindi pa rin niya masabi kung saan ibuburol si Heber, pero tiniyak niyang magkakaroon ng burol iyon dahil ang ikinamatay naman ay hindi Covid, at sa ngayon naman sa ilalim ng alert level 2, pinapayagan na ang lamayan. Naniniwala si Jessie na hindi maaaring hindi dahil napakaraming fans ni Heber na tiyak na gustong magbigay galang sa kanyang pagyao.

Si Heber at ang kanyang itinatag na rock band, iyong Banyuhay, at maraming ginawang mga hit song at itinuring nga ang aktibistang singer na isang icon ng music industry sa ating bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …