WALANG magawa si Misis sa tuwing umaalis ang actor niyang mister para matulog sa condo ng executive na bading.
Hindi naman siya makaapela talaga dahil hindi naman sila kasal, kaya
pareho sila ng bading na kabit lamang ng actor.
Hindi niya masabing lamang siya dahil babae siya. Kasi roon naman sa bading nanggagaling ang malaking bahagi ng kabuhayan nila, at kung wala ang bading, hindi nila kaya ang marangyang pamumuhay na tinatamasa nila sa ngayon.
Ang inaasahan na lang ng misis na aktres, darating din naman siguro ang araw na pagsasawaan din ng bading ang mister niyang actor, at maaari na silang magsama ng normal. Kahit na nga raw gusto ng pakasalan ni mister si misis, hindi niya magawa dahil nagagalit ang bading. (Ed de Leon)