Saturday , December 21 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Tsinong Mandaragit

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

HABANG ang lahat ay nakatuon ang pansin sa mga kaganapan ng Kilusang Kalimbahin,  ang Commission on Elections (Comelec) ay nakipagkasundo sa F2 Logistics, isang kompanya na pag-aari ni Dennis Uy.  Ang kontrata ay nagkakahalaga ng tumataginting na P536 milyon, na nagtatalaga sa kompanyang F2 sa pagdadala ng mga election related materials para sa halalan sa 2022.  Pero may malaking isyu dahil ang kompanyang F2 ay pag-aari ni Dennis Uy, isang kilalang supporter at campaign contributor ni Rodrigo Duterte.

Isang malaking red flag ang biglang tumambad, at naalarma ang marami. Ito ay may malaking implikasyon sa integridad ng halalang 2022. Hindi uubra ang palusot ni Comelec chair Sharif Abas na walang isyu at sinabi niya na maraming negosyante ang nagbibigay ng kontribusyon tuwing eleksiyon. Lalo na nang makita na ang dalawang opisyal ng F2 na si Efren Uy at Cherylyn Uy ay nag-ambag din sa kandidatura ni Duterte, minarapat ng nakapiit na senador Leila de Lima, dating election lawyer, na masusing imbestigahan ang proseso kung paano ang pag-aproba sa F2 sa bidding process. Bakit mahalagang imbestigahan ito?

Bilang winning bidder, ang F2 Logistics ang in-charge sa pagkalap at deployment ng mga vote-counting machines sa iba’t ibang voting precincts.  Kasama ang mga vote-counting machines (VCMs) at external batteries nito, mga consolidation at canvassing system machines, pati ang transmission equipment, at power generator sets.  Bukod dito, ang F2 Logistics ang magdadala ng official ballots at ballot boxes sa Northern Luzon at Cordillera, Metro Manila at Timog Katagalugan, kasama ang Bicol Region, buong Bisaya, at Mindanao.

Kaya pasensiya na po kayo Mr. Abas, pero ‘yang lohika na ipinipilit ninyo na lahat ng negosyante ay nag-aambag sa napupusuan niyang manok ay mali. Ang ambag ni Dennis Uy sa kampanya ni Duterte ay nagkakahalaga ng tumataginting na P30 million, hindi pa kasama ang ambag ng kanyang mga kaanak na si Efren at Cherilyn.  Iyang pangangatuwiran mo ay gasgas at bumenta na at angkop para sa uto-uto. Obvious na sa nalalapit na sabong sa 2022, pinipilit ninyo na manalo ang mga pato.

*****

ISA pang nakababahala ay ang pagbenta ng Department of Energy (DOE) ng 45% share ng Shell Oil Corporation at 45% share ng Chevron Oil Company mula sa Malampaya Natural Gas Complex sa UDENNA Group of Companies na pag-aari ni Dennis Uy. Ito ay hindi dapat nakalusot.

Sa mismong bunganga ni Mr. Uy, sinabi niya na walang pera ang UDENNA, kaya napilitan itong mag-divest o magbawas ng mga ari-arian at investments, partikular ‘yung resort development niya sa Subic.

Ang pagbili sa Malampaya shares ng Shell at Chevron ay tumataginting na P160 bilyon kaya paano tinustusan ni Dennis Uy ito?

Dumako naman tayo sa pangalawa at sa tingin ko pinakanakababahalang scenario. Sa larangan ng pagnenegosyo merong gawain na tinatawag na “kiting.”  Ito ang pagbili o pagkamal ng ari-arian o kalakal sa pangako na babayaran ito sa darating na panahon.  Ang “kiting” ay ginagamit ang benta ng biniling kalakal para mabayaran unti-unti ang halaga ng pagbili nito. Parang walang mali, ano?

Pero ang kalakaran na “kiting” ay ilegal. Ito ay gawain na labag sa batas at may kalakip na multa o kulong. Sa maikli, pumasok ang DOE sa isang kasunduan na labag sa batas, at may pananagutan ang kalihim na si Alfonso Cusi na sa kasalukuyan ay pinuno ng PDP-Laban Duterte faction.

Pero umalis muna tayo rito, dahil heto ang pinakakinatatakutan ko. Ang pagpasok ng mga dayuhang Insik at mapasakanila ang Malampaya. Kaya abangan natin ang mga kaganapan na unti-unting nagpapakita ng mga Tsinong Mandaragit na biglang papasok sa eksena ng masidhing kataksilan na nababatid na natin.

Abangan natin ang “coming soon.”

*****

Tutuldukan ko ang kolum na ito sa maikling paalala mula sa Punong Mahistrado ng Korte Suprema si Melou Sereno na nagpapaalala sa atin na lumingon tayo sa kasaysayan at hugutan ng aral upang ito ay makatulong sa atin sa pang-araw-araw nating pagninilay:

“CALLING ALL HISTORIANS: Ano pa po ang magiging future ng historical scholarship, kung isasaisantabi ang lahat ng pinaghirapan ninyo?

“Ito po ang topic ng aking speech ngayong umaga sa LIKAS, ang 30 year old na samahan ng mga mag-aaral ng kasaysayan sa U.P. Kasama ko po ay ang mga iskolar at propesor nila sa annual conference nila ukol sa paglinang ng disiplina ng kasaysayan.

“Ako ay naniniwala, at natanto ko nga sa mga economics classes ko – sa Ateneo na pinanggalingan ng aking Economics degree, at sa UP kung saan nakakuha ako ng M.A. units sa Economics — na malaki ang kayamanan ng Pilipinas noong unang panahon. Sa yaman ba naman ng natural resources kasama na ang mga minahan at dagat, malinaw na dapat mayaman ang Pilipinas sa Asya. Sa katunayan, lahat ng history books at economic data na napag-aralan ko ay tungkol sa pagkaangat natin sa Asya. Kinilala tayong number 2 sa Japan bago 1965, at noong 1985 ay bagsak na tayo at tinagurian na tayong “Sick Man of Asia.”

“Ang hamon ko sa mga estudyante at propesor ng kasaysayan: ginigiba na ang inyong propesyon. Ang mga pinaghirapan ninyong PhD ay binabalewala. Ang pasimuno sa pagbabalewala nitong inyong mga pinagsisikapan, na mahanap at makamit ang katotohanan gamit ang masusing pagsisiyasat, ay mga political users ng industriya ng pagsisinungaling.

“At ang tema ng komperensiya ninyo,  na kasaysayan ng ekonomiya at paghahanapbuhay, ay naglalahad na may isang trajectory na patutunguhan ang mga nangyayari ngayon — na ang binubuhay ng mga political users na ito, na ekonomiya at panghanap-buhay, ay ang industriya ng malakihang makinarya ng pagsisinungaling.

“At ito ang banta sa mga iskolar ng kasaysayan, at sa ating buong bayan.

“Nawa’y malabanan po ito ng katotohanan, tulong ng Diyos ng Katotohanan!”

[email protected]

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …