MUKHA talagang walang kapera-pera ngayon ang isang dating sikat na matinee idol. Lugi kasi siya sa mga pinasok niyang negosyo at kailangan niya ng dagdag na puhunan, kaya nga bukod sa pagbebenta ng mga ari-arian, panay din ang labas niya sa mga ”sideline” ngayon.
Nitong nakaraang weekend, nakita siyang kasama ng isang rich Pinoy gay sa Hongkong. Pero lihim na lakad iyon, kaya maski ang mga Pinoy na nakakita sa kanya roon na gustong makipag-selfie ay tinatanggihan niya.
Iyan ay isang kaso ng nagkamaling diskarte sa career, bumagsak, kaya sa ngayon nasadlak siya sa ganyang klase ng buhay.
(Ed de Leon)