MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nang Dumating si Joey na pinagbidahan ni Francis Grey, sunod-sunod na ang proyekto niya.
Sa ngayon ay nasa proseso ang management ni Francis sa pagpili ng tamang proyekto lalo’t napansin ang husay nito sa nasabing proyekto na idinirehe ni Arlyn Dela Cruz.
At kahit nga naging mapangas ang binata sa pagpapakita ng kanyang butt sa Nang Dumating si Joey, mas napansin pa rin ang husay sa pag- arte.
Pero ayon kay Francis, willing itong magpakita ng kanyang private part kapag maganda ang pelikula, mahusay ang director, at kung talagang kinakailangan para mas maganda ang pelikulang kanyang gagawin.
Dagdag pa nito na kung si Coco Martin na kanyang idolo ay nagawang tumodo sa pagpapaka-daring noong nagsisimula pa lang ito, kaya naman niya ring gawin iyon.
At para nga mas maging mahusay pang umarte, nag-undergo siya sa acting workshop at isinasabay din ang pagpapaganda ng katawan para sa susunod niyang pelikula.