WASAK Puso Day ang hatid ng Vivamax ngayong November 19 sa Philippine adaptation ng South Korean drama na More Than Blue.
Bida rito sina JC Santos, Yassi Pressman, Diego Loyzaga, at Ariella Arida.
Handa nang ihatid nina JC at Yassi ang pag-ibig kasabay nang pagluha sa kanilang unang tambalan onscreen.
Mula ito sa direksiyon ni Nuel Naval na director din ng comedy-drama na Miracle in Cell No. 7 na naging box office hit nang ipalabas sa isang Metro Manila Film Festival.