TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman
MAGSISIMULA na ang pormal na kampanya para sa Halalan 2022. Dito makikita natin ang mga magtataas ng sariling bangko. Dito makikita ang mga bigatin at yayamanin na mangangako at solusyonan ang lahat ng suliranin na bumabagabag sa ating bansa.
Mula sa abogado, at batikan sa larangan ng national development, hanggang sa abang manlulupa, tangan ang taon na pakikihalubilo at may taglay na kaalaman na maaaring galing sa tapal-tapal, pero angkop sa kanya at nagsilbi ito. Walang problema. Sila ang mga aktor na magbubuno, makikipagsaputan sa isa’t isa sa 2022.
Naalala ko noong kabataan ko sa Baliuag, kapag dadayo kami upang manood ng kampanya, kanya-kanyang pa-gimmick ang tangan nila sa entablado. Ang paborito ko ay ang magdadala sila ng artista. Big deal na sa amin dahil sa telebisyon o pelikula mo lang sila magigisnan. Kadalasan nagpapasalamat muna at magbibigay ng isang awitin o dalawa. Minsan may dala pang mga dancers kaya meron ka nang song and dance.
Ngayon makabago na ang teknolohiya at napaigi lalo ito. Bigay kong halimbawa ang TikTok. Dati laro o libangan ng kabataan na kunan ang sarili sa cellphone at mag-record ng kahit ano ang napupusuan. Natuklasan ito ng politiko, at ngayon pa lang isang rekwang TikTok na gawa ng mga kandidato ang makikita natin sa internet.
Ito ay pinakamabisang paraan upang magpakilala ang kumakandidato. Batid ito ng mga kandidato na ang iba ay gumamit ng orihinal na materyales ng kanilang awitin at ginagamit para sa TikTok ng kliyente niya.
Sa panahon ngayon, kahit sino ay may cellphone, at napakadaling mag-download ng mga imaheng ito. Totoo nga na ang panahon ngayon ay ibang-iba sa panahon ng ating mga magulang. Pwede rin simpleng sinabi lang halimbawa, “Pupunta ako roon sama ka?” Ito ay mga katagang ‘suggestive’ at markado ang politiko para sa makakapanood nito.
Totoong malayo na ang usong teknolohiya para sa mga kampanya. Pero iisa pa rin ang hindi nagbabago rito. Ang lahat ay base sa pangako. At kadalasan ang pangakong napapako.
*****
HUWEBES na, at ang pinakahihintay ng marami niyang tagasuporta ay ang formal filing ng certificate of candidacy sa pagkapangulo ni Leonor Gerona Robredo. Sila na lang ni Sara Duterte ang natitira sa mga maaaring tumakbo sa pagkapangulo ang hindi pa nagpa-file ng kanilang certificates of candidacy. Siguro hindi nga ito issue, kung walang nakabinbin na puwedeng mag-file dahil sa nangyaring political bottleneck.
‘Yung isa ay walang pasintabing indikasyon man lang at iyong isa well, nakikiramdam kung tatakbo si Leni. Isa sa mga apektado ng political roadblock na ito ay walang iba kundi si Sonny Trillanes, at batid natin ang dahilan nito:
Una, nakatali siya sa binitawang salita na hindi siya tatakbo bilang pangulo sakaling tumakbo si Leni Robredo, bagkus, sinusuportahan niya ito sampu ng makinaryang nasa likod niya. Ang Magdalo.
Pangalawa, maraming ayaw na tumakbo si Sonny Trillanes sa pagkapangulo, o sa anupamang posisyon. Sila ay ang mga namamayagpag ngayon sa 1Sambayan. Pero noong 2 Oktubre 2021 nagpahayag ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ay bibitiw na sa pagiging pangulo. Heto naman ang sinabi ni Atty. Rodolfo Hilado Divinagracia tungkol sa isyu:
Article VII, Section 8 of the 1987 Constitution is clear, “Section 8. In case of… or resignation of the President, the Vice-President shall become the President to serve the unexpired term.”
Dutz announced (October 2) that he is retiring from politics. This may trigger a constitutional issue.
Consider these:
1. A President cannot retire unless he resigns. He said, today (October 2) I announce my retirement from politics. This could mean a constructive resignation in legal terms.
2. Section 8, Article VII does not specify the mode of resignation. Thus, it could be an oral or a written resignation.
3. Same Section 8, provides that the VP becomes President to serve for the unexpired term.
4. If VP Leni asserts that Dutz resigned and assumes the reign of the Presidency, then a constitutional issue shall arise.
5. There is no provision in the constitution that says the President can retire/resign and later withdraw such retirement/resignation on the ground that it was merely a joke or that he meant another thing.
These considerations are stuffs for lawyers, law students, law scholars, observers of the law and law schools to feast on.
Magulo po ano. Mula sa simula ng ating pagtahak sa magulong daan patungo sa isang ganap na Republika, marami nang ganito ang nangyari. Marahil itong adminiistrasyon ni Rodrigo Roa Duterte ang may pinakamaraming isyu-politikal, sunod dito ang adminisrasyon ni dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos at ang Martial Law na nagdala sa marami sa kapahamakan, ang lahat ng ito ay nagsisilbing aral para sa lahat, na puwedeng hugutan ng karunungan at lakas.