Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Fish vendor na inubo gumaling agad sa Krystall herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Joselito Antipuesto, 40 years old, fish vendor, taga-Quezon City.

Ako po ay naglalako ng isda sa ilang subdivision. Pero dahil sa pandemya, may homeowners members ang nagreklamo kaya hanggang gate na lang ako nakapagtitinda. Malaking disadvantage po ito, kasi hindi ko napupuuntahan ang mga suki ko.

Ang ginawa ko po, nagpasabi na lang ako na kontakin ako sa cellphone kung kailangan nila ng paninda ko para ako po’y makapaglako pa sa ibang lugar nang sa gayon ay kumita pa ako.

Nakasakay naman po ako sa pedicab at naroroon ang mga paninda ko pero kapag bumubuhos ang malakas na ulan, grabeng pagkabasa ang nararanasan ko.

Sabi nga sa panahon ng pandemya, umutot ka na pero huwag na huwag kang uubo dahil tiyak na magpupulasan ang mga tao.

Sa madaling sabi, inubo po ako dahil naulanan nga ako. Dahil matindi ang ubo, kailangan kong magpahinga. Mabuti na lang po at mayroong Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs si misis.

Labing-limang minutong haplos sa aking likuran at sa dibdib, tuwing umaga at bago matulog. Sinuob din po ako ni misis at pagkatapos ay pinahihigop ng Krystall Nature Herbs.

Sa awa po ng Diyos, Yahweh El Shaddai, dalawang araw lang akong nagpahinga at bago pa maubos ang ipon namin o emergency funds, ay nakapagtinda na ulit ako.

Iba talaga ang husay at galing ng inyong Krystall products Sis Fely. Maraming salamat po at nawa’y patuloy kayong pagpalain ni Yahweh El Shaddai.

Sumasainyo,
    JOSELITO ANTIPUESTO
    Quezon City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …