NAPAKA-GENTLEMAN ni Male Starlet. Kahit na sino ang mag-friend request sa kanya, tinatanggap niya. Matiyaga rin siya kung makipag-chat.
Pero kung inaakala niyang palagay na ang loob sa kanya, ”hihingi na siya ng favor.” Mangungutang na siya ng P3,500 sa simula, na sasabihin niyang babayaran niya after a week. Sasabihin niyang ipadadala na lang sa GCash ng pinsan niya.
Kung hindi mo siya sisingilin, susubukan niyang umutang na muli nang mas malaki. At malakas ang loob niyang makipag-video call para patunayang siya nga iyon. Basta nakahalata ka sa modus niya o kaya ay naningil ka na, iba-block ka na niya.
Talaga nga sigurong mahirap ang buhay sa ngayon, at wala nga halos raket lalo na kung mga starlet lamang. Hindi gaya noong araw na kung P2K-P3K lamang ay madali nilang kitain sa mga mall show o sa mga show sa probinsiya. Eh ngayon pandemic, wala lahat iyan.
Pero hindi excuse iyong wala kang raket para manloko ka ng kapwa mo.
(Ed de Leon)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com