Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
vegetable vendor

Ex-taxi driver, fish & veggies vendor ngayon, tiwalang lubos sa Krystall herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako si Antonio Villanueva, 58 years old, taga-Quezon City.

Dati po akong taxi driver, ngayon ay naglalako ng isda at gulay sa pamamagitan ng kariton dahil sa pandemya.

Sa isang banda, mas gusto ko na rin po ito, dahil sigurado akong may pagkaing mapag­sasalohan at makatutulong sa tiyak na kalusugan ng aking pamilya.

Hindi naman po ako nagrereklamo, kaysa naman wala kong pinagkakakitaan para sa pangangailangan namin ng pamilya ko, pero sa panahon po ngayon na mainit sa umaga at biglang uulan sa hapon, ay, talaga pong pasma ang inaabot ko.

Mabuti na lang po at naririyan ang Krystall herbal products na lagi naming naaasahan para pangalagaan ang aming kalusugan.

Minsan nga po, inabot ako ng ulan, ay sus, pagdating po sa bahay deretso agad ako sa banyo, at doon ay inihanda na ni misis ang maligamgam na pampaligo.

Pagkatapos po maligo, pinainom na rin ako ni misis ng mainit na Krystal Nature Herbs, habang hinahaplos ang likod ko at ang aking mga paa at binti ng Krystall Herbal Oil.

Ang anak ko namang 16-anyos na dalagita ay inaayos ang mga panindang natira, at pumipili ng aming iuulam.

Ganyan po kami magtulungan sa pamilya kasama ang Krystall herbal products. Pampamilya po talaga ang mga imbensiyon ninyo Sis Fely.

Maraming salamat po talaga kay Yahweh El Shaddai dahil biniyaan niya kayo ng galing at talino para makatulong sa kapwa.

God bless po Sis Fely.

                          Lubos na sumasainyo,

                          ANTONIO VILLANUEVA

                          Quezon City

P.S.

Siyanga po pala Sis Fely, pagkatapos ko pong mag-agahan bago sumabak sa paglalako, umiinom ako ng Krystall B1B6. 

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …