MATABIL
ni John Fontanilla
GUMAWA ng ingay at usap-usapan ang nak-brief na picture at bakat ang hinaharap ni Markki Stroem sa kanyang Instagram account.
Ang picture ni Markki ay kuha sa shooting nito sa tagaytay para sa BL series na Love At The End Of The World na pinusuan ng mga netizen na mayroon ng 15, 720 likes.
Tsika ng ilan sa nakakita ng litrato ni Markki, carry nito na mag-post ng ganoon dahil bukod sa magandang katawan, may ipagmamalaki naman na talaga namang aninag ang shape sa kanyang pang-ibabang saplot.
Marami tuloy ang nagka-interes at nag-aabang na mapanood ang Love At The End Of The World na pinagbibidahan niya kasama sina Kristoff Garcia, Rex Lantano, Nicco Locco, Yam Mercado, Mike Liwag and Gold Aseron hatid ng Temporary Insanity Pictures, directed by Shandii Bacolod.