NAGDA-DRIVE ang isang male star ng kanyang sasakyan, nang tabihan daw siya ng isang SUV sa traffic, binusinahan ng nagda-drive niyon at nang mapatingin siya, tinatanong siya ng nagda-drive kung saan siya pupunta. Tapos sinabihan daw siya na maghintay pag-go nila para makausap siya. Mukhang bading daw ang nasa SUV, pero bading na mukhang goons. Mabilis daw niyang pinatakbo ang kotse niya at nang madaan sa isang outpost ng pulis ay tumigil siya. Lumampas naman daw ang SUV nang makita ang hinuntuan niyang outpost ng pulisya.
Delikado talaga ang mga pogi ngayon. Mukhang goons, pero hindi naman daw mukhang butanding ang bading. (Ed de Leon)