PINAYUHAN daw ng isang TV Director ang isang baguhan na makipagkita sa isang executive para mabigyan siya ng pagkakataong makasama sa ibang shows. Sumunod naman daw ang male newcomer.
Binisita niya ang production executive sa isang condo malapit lang sa studio nila. Mabait naman daw ang production executive. Bukod sa tiniyak na makakasama siya sa mga show, pinakain pa raw siya at pinainom.
Kaso nalasing daw siya at hindi namalayang doon na nakatulog sa condo. Ang masama kinabukasan, hirap na siyang umupo. Hindi naman daw siya makareklamo dahil bibigyan nga siya ng shows, at saka nalasing siya eh, kasalanan din niya. Pero noong sinabi raw sa kanya na kailangang dumalaw siya ulit sa condo ng executive para magtuloy-tuloy ang guesting niya sa mga show, hindi na siya nagbalik.
Kaya pala basta nawala na lang siya sa mga show at hindi na nakuha sa alinmang show nang tumanggi siyang magbalik sa condo ng executive. May nagsabi raw sa kanya, ”talagang ganoon ang kalakaran doon.” (Ed de Leon)