Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Hanopol, Lito Camo, Manny Pacquiao
Mike Hanopol, Lito Camo, Manny Pacquiao

Lito Camo inako ang pagkakautang ni Pacman kay Mike Hanopol

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABUTI naman at naayos na ang paniningil ni Mike Hanopol kay Senador Manny Pacquiao. Ang akusasyon ni Mike, pinagawa raw siya ni Pacman ng tatlong kanta. Matapos iyon pinuntahan daw niya sa senado si Pacman. Ang tagal daw nilang pumila at ang tagal naghintay.
Nagutom siya dahil sa tagal ng paghihintay, tapos hindi binayaran ang kanyang tatlong kanta. Eh ang pera niya sapat lang na pambayad sa driver niya noong araw na iyon. Masama talaga ang loob niya. Ang tingin naman namin doon wala silang usapan na babayaran ang kanyang ginawang kanta noong araw na iyon. At alam naman ninyo, kahit na sinong senador, lalo na at may sesyon napakahirap na makausap sa senado. Bukod kasi sa kanilang trabaho, napakarami ring mga taong gustong makasingit para makausap sila, o makahingi ng tulong. Kaya diyan sa senado, kailangan ang prior appointment.

Pero ngayon, inako ng composer na si Lito Camo ang paniningil ng kantang ginawa ni Hanopol kay Pacman. Baka nga kasi hindi pa nakararating kay Pacman ang ginawa niyang kanta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …