Saturday , December 21 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Kwentas klaras

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

“WHEN a Supreme Audit Institution is attacked, it is a sign of desperate times. The audit process is a mechanism of accountability without which, no nation can flourish. To put public officials to task is not playing politics, it is simply an exercise of every citizen’s right. After all it is their money that is at stake. It is their country, it is their future!”

Heto ang salitang binitawan ni Heidi Lloce Mendoza, dating Commissioner ng Commission On Audit, o COA, isang ahensiya ng gobyerno na nakaatas ang tungkulin na kuwentahin at usisain ang gastos ng isang ahensiya ng gobyerno. Siya ay gumaganap ng panibagong papel, at ngayon ay Undersecretary General United Nations na nanunungkulan bilang Internal Auditor ng UN, isang masasabi nating “level-up” para sa butihing accountant ng pamahalaan at nagsilbing CoA Commissioner.

Kamakailan lang tumaas ang kilay ng ilang ahensiya ng pamahalaan, partikular ang DoH, nang maglabas ng mga babala o “red flag” ang COA, at sa kanilang Final Audit Report binanggit ang ilang transaksiyon na nakapagdududa, na sa tingin nila, ay dapat isailalim sa pormal na imbestigasyon. Ang paglabas ng babala o “red flag” ay bahagi ng mandato ng COA na binuo upang manmanan ang gastusin ng mga ahensiya ng pamahalaan. Hindi lang ang maling datos at kuwenta ang tinitignan ng ahensiya, kundi pati ang dokumentasyon at pagsusumite ng papeles.

Bago pa man malabas ng COA ang babala o “red flag” binibigyan ang ahensiyang iniimbestigahan ng pagkakataon na maisumite nito ang kulang na dokumentasyon at datos. Dumaraan muna ito sa masusing pagsusuri bago gumawa ng aksiyon ang COA. Maganda ang paliwanag dito ng dating COA Commissioner Heidi Mendoza:

“Nag-iisyu muna ng Audit Observation, hiningi ang kanilang tugon (ang ahensiyang iniimbestigahan), hinihingan ng dokumento, nag-e-exit conference saka ginagawang final, at inilalagay sa Audit Report na naipo-post sa website.”

Sa maikli, hindi “shoot first ask questions later” ang COA. Sinisigurado muna nila na tama ang datos bago nila isapubliko ang desisyon nila.

At bakit hindi sila nagsasalita kapag binabatikos sila?

Ang COA ay maihahambing sa Korte Suprema at ang credo na sinusundan ay ang tinatawag na “dignified silence” o pagkakaroon ng marangal na katahimikan. Kahit inuulan sila ng batikos, bagkus, kahit nakatatanggap ang ilan sa kanila ng banta, o binawian ng buhay sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin, mananatili silang tahimik habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.

Ani Heidi Mendoza, marami sa kanila ang nagiging manang, o sa salitang Batangas marami ang ‘nagbuburo’ na lang at hindi na nag-aasawa dahil sa rami at bigat ng trabaho.

Kaya matindi ang binitawang salita ni Rodrigo Duterte nang sabihin niya noong 20 Agosto 2021: “Alam kong walang malisya. But in making the report, KINDLY RECONFIGURE EVERYTHING. I-underline n’yo, ‘THE REPORT DOES NOT MENTION ANY FUNDS LOST TO CORRUPTION.’ Maski ‘yan lang ang unang sentence ninyo.”

Mabigat ito dahil inuutos ni Mr. Duterte na baguhin ang datos ng COA report at huwag banggitin na may nawala sa pondo dahil sa korupsiyon. Bagaman, maraming ahensiya ng pamahalaan ang nalagay sa puntirya ng COA noong mga nakaraang administrasyon.

Tila nakalimutan ni Duterte, ang trabaho ng COA bilang ahensiyang hiwalay ang tungkulin sa ibang sangay ng gobyerno, ang mandato ay nakasaad sa Saligang Batas ay magsilbing tagamanman, at batingaw na tutunog kapag may hindi tama. At ang audit nila ay nakabase sa isinumiteng dokumento, at hindi trabaho ng COA ang sabihin kung may katiwalian na ginawa ang sinuman. Trabaho ng ibang ahensiya tulad ng Ombudsman at Sandiganbayan ang magharap ng sakdal. Hindi ng COA.

Pakiusap Duterte: DON’T SHOOT THE MESSENGER.

Kaya maghunos-dili ka Duterte. Hindi mo puwedeng utusan ang COA , lalo na utusan silang gumawa ng labag sa kanilang mandato. ‘Wag mong pairalin ang pagiging siga-sigaan mo sa Davao. Hindi sila tauhan mo na puwede mong utusan gumawa ng iyong estilo ng kabalbalan. Ang ipinaparatang mo sa kanila ay walang patutunguhan, at ang asal mo ay malapit na matuldukan. Ilang buwan ka na lang sa pagiging pangulo kaya payo ko umayos ka at ayusin mo ang mga huling sandali ng pamamalakad mo.

At sa imortal na mga kataga ng nasirang aktor Rudy Fernandez sa pelikulang Markang Bungo: “TRABAHO LANG. WALANG PERSONALAN.”

*****

MGA PILING SALITA:

Felipe Buencamino: “Katungkulan ni Sen. Bong Go bilang pinuno ng Senate Committee on Health mag-oversight sa DOH. Ngunit hindi siya active mag-imbestiga sa DOH kung winaldas nga ba nito ang budget para sana sa CoVid. Ano ang pumipigil kay Bong Go na tuparin ang kaniyang katungkulan?”

Ding C. Velasco: “Sa buong mundo, sa Filipinas lang may “catering” sa DOH Officials under Duki habang nasa ‘Zoom Meeting’ sila. Ibig sabihin, kada nasa ‘Zoom Meeting’ na opisyal – may nagki-cater, tapos iisang resibo na umabot ng P1.02 milyon? Nagulo na ang isipan ko!!!”

Ma. Lourdes Sereno: “Ang kalayaan natin, ang ating dignidad, ang ating moralidad upang makilala ang tama at mali, ay biyaya ng Diyos na dapat natin pinagkakaingatan. Hindi po ito maaaring isuko sa GASLIGHTING.”

 Alex Castro: “No, you cannot separate the athlete from the homophobe, and you cannot separate the athlete from the incompetent politician. Separating those things is a grave injustice to their victims.”

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *