Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jos Garcia napurnada ang pag-uwi ng ‘Pinas

MATABIL
ni John Fontanilla

UUWI sana ng Pilipinas ang Pinay international singer na nakabase sa Japan, si Jos Garcia para tumanggap ng award sa 2021 Philippine Faces of Success bilang Global Artist-Japan ngayong Agosto at para na rin mag-promote ng kanyang latest single na Nagpapanggap.

At dahil sa pagkalat ng bagong variant (Delta) ng Covid-19, pansamantalang ‘di muna matutuloy ang Philippine Faces of Success, kaya naman minabuti na lang ni Jos at ng kanyang home studio na ipagpaliban ang pagpunta ng Pilipinas.

Excited na nga sanang makauwi ng Pilipinas si Jos dahil bukod sa pagtanggap  ng award, kasama rin ito sa 100 Most Influential People of 2021 sa larangan ng musika ng Aspire Magazine Philippines.

Sa ngayon, abala ang singer sa kanyang matagumpay na online program na Goodvibes with Jos Garcia na napapanood sa Best TV 31 tuwing Sabado at guesting sa iba’t ibang online shows sa Pilipinas at Japan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …