Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd nakipagkita sa mga boss ng ABS-CBN

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAGANDA iyong ginawa ni John Lloyd Cruz na matapos ang kanyang desisyon na tumalon sa GMA7 ay nakipagkita naman sa mga boss ng ABS-CBN, para magkausap naman sila. Matapos kasi ang kanyang indefinite leave nang halos apat na taon, ang inaasahan ng ABS-CBN ay babalik pa siya roon.

Wala naman iyong problemang legal. Kung hindi sana natapos ang franchise ng ABS-CBN at nasara sila, maaaring sabihing umiiral pa rin ang kontrata sa kanila ni John Lloyd dahil nang mag-leave siya, automatic suspended ang time clause ng kanyang kontrata, kaya sa pagbabalik niya may kontrata pa rin. Eh nasara ang network, natural pakakawalan na nila ang mga star na nakakontrata sa kanila dahil wala na silang kakayahang panagutan pa ang responsibilidad nila sa ilalim ng kontrata. Ibang usapan iyong mga star na muling pumirma sa kanila ng kontrata kahit na wala silang franchise. Pero punahin ninyo, ang bagong kontrata ay sa Star Magic, ibig sabihin management lang. Walang kontrata sa ABS-CBN mismo dahil off the air pa nga sila at wala silang matitiyak na proyekto para sa stars nila.

Kasama ni John Lloyd sa pagdalaw sa ABS-CBN ang kanyang manager na si Maja Salvador na tumalon din agad sa TV5 nang alukin ng isang Sunday noontime show, na natigbak naman agad. Si Piolo Pascual na kasabay niyang tumalon sa TV5 ay mukhang welcome pa rin sa ABS CBN, pero si Maja ay hindi ganoon. Kaya mabuti na rin iyong nakipag usap na si Maja sa kanila, at magandang paraan nga ang pakikipag-ayos din ni John Lloyd. Medyo nasaktan lang naman ang ABS-CBN doon sa pagtalon nina John Lloyd at Bea Alonzo dahil parehong malaking artista na kailangan nila para makabangon. Iyon bang ibang tumalon pinansin ba nila?

Aminin natin, marami rin namang naging contract stars ang ABS-CBN na hindi rin talaga umangat. Iyong iba naman, sumikat nga pero lumipas naman agad ang panahon at hindi na rin masyadong pakikinabangan. Sa mga star na iyan, naging advantage pa para sa network na nawalan ng bisa ang kanilang kontrata, dahil kung hindi, hindi man sila mabigyan ng shows kailangang bayaran pa rin ng ABS-CBN ang obligasyon nila sa ilalim ng mga kontratang iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …