Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine wala ng planong mag-anak

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAHAPON, birthday ni Sunshine Cruz at usap-usapan na tila hindi raw pansin ni Sunshine ang kanyang edad. Baka hindi niya namamalayan na kapag nag-asawa siya, mahihirapan nang magkaroon ng anak. Sayang, anong malay ninyo kapag nag-asawa siya ngayon baka makatiyempo pa siya ng baby boy. Tatlong babae kasi ang anak niya.

Pero may isa kaming kaibigang OB-Gyne na nagsabing hindi totoo iyon. Kasi fit naman si Sunshine. Maganda ang kondisyon ng kanyang kalusugan at iyong sinasabing mahihirapang magka-anak ang aktres kapag nag-40 na, iyon ay ang mga babaeng hindi pa nakakapanganak before. Eh si Sunshine naman may tatlo ng anak. Iyon nga lang, baka raw mahirapan na si Sunshine sa isang normal delivery dahil ang kanyang bunso ay 16 years old na rin ngayon.

Medyo matagal na iyong kanyang huling panganganak, pero posible.

Mukhang enjoy pa nga si Sunshine sa kanyang buhay kaya hindi pa niya naiisip na mag-asawang muli kahit na sabihing puwede na naman iyon dahil null and void na ang una niyang kasal kay Cesar Montano.

“Pareho naman kami ni Macky (Mathay) na hindi na naghahabol sa ganyan. I have three daughters. Siya rin naman may mga anak na. Iyong mga bata nagkakasundo naman, kahit naman noong una pa hinayaan namin silang makapag-bonding, at sure kami na kung sakali we can be a one big happy family.

“Of course it will be a blessing na malaki if we can have children of our own, pero kung hindi naman buo na rin ang pamilya namin. Of course our children know who their parents are, but my daughters have accepted Macky naman like a second father, while his children naman has accepted me as their own. Ok ang mga anak namin eh kaya wala kaming nakikitang problema.

“Sa ngayon from my end wala na talagang legal impediment. Siya naman matagal na nilang inaayos ang problema nila pero wala pa rin ngang desisyon and that is what we all are waiting for. Kung dumating na iyon, siguro we will wait for a little time na lang before we settle,” sabi ni Sunshine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …