Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim na-enjoy ang rice cooker, air fryer sa lock-in taping

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA si Kim Rodriguez na makatrabaho muli si Jak Roberto sa  Never Say Goodbye.

Kuwento ni Kim, ”Si Jak nakatrabaho ko na siya sa ‘Hanggang Makita Kang Muli,’ happy ako naka-work ko siya ulit.

“Bale this time naman nakababatang kapatid niya ang role ko.

“Happy din ako na nakatrabaho si Lauren Young, gusto ko siya ka-eksena kasi  bukod sa magaling siya may maihuhugot ka talaga sa kanya.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumabak sa lock-in taping si Kim kaya naman sobrang nanibago siya.

“Sobrang nakakapanibago talaga, pero mas okay na rin para sa safety na rin sa aming lahat lalo na’t mayroon pa ring pandemya,” ani Kim.

Dagdag pa ng seksing aktres, ”Ang maganda naman sa lock-in taping bukod sa safety ng lahat, mas lalo namin nakikilala ang isa’t isa lalo na si Klea (Pineda), room mate ko. 

“Para kaming may dalang bahay sa set hahaha, may rice cooker, air fryer, washing machine, at pagkain.

“Although masaya na mahirap mag-lock-in kasi malayo sa pamilya mo, masaya kasi nga may bagong pamilya ka.

“Lagi kami naglulutu-lutuan sa set kasama si Hipon Girl at Tita Mosang. Pagdating naman sa eksena mas okay ang lock-in kasi mas mapi-feel mo ‘yung character, ‘yung continuity ng emotion mo.

“Tapos magaan lang sa taping, pero need bilisan kasi may sinusunod kami na oras, 16 hrs of work lang dapat. Kaya pagdating sa set in character na at alam na lines.

“Si Direk Paul Sta Ana naman nakatrabaho ko na s’ya before. Kinuha n’ya ako for ‘Oros’ film with Kristoffer King,” mahabang tsika ni Kim.

Ito ang pagbabalik serye ni Kim after mabakante ng ilang buwan dahil na rin sa pandemya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …