Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque

Bea karay-karay si Dominic sa US

HATAWAN
ni Ed de Leon

NASA US na si Bea Alonzo. Nakita na siya at nakunan pa ng picture sa airport ng Los Angeles na kasama si Dominic Roque. Alam naman iyon ng GMA dahil sinabi naman niyang gusto muna niyang magbakasyon bago tuluyang sumabak sa trabaho. Parang hindi pa sapat ang isang taong wala naman siyang ginawa simula noong masara ang ABS-CBN.

Pero iba nga naman ang bakasyon sa abroad, iyong talagang pahinga ka at wala kang iniisip na kahit na ano. Maaaring isang taon nga siyang nakabakasyon simula noong masara ang ABS-CBN, tinapos nang maaga ang kanyang kontrata sa network dahil wala na nga iyong franchise at nawalan ng kakayahang matugunan pa ang kasunduan nila sa ilalim ng kontrata. Hindi ka rin talaga matatahimik dahil sa feeling of uncertainty, hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan mo. Hindi mo alam kung paano madudugtungan ang iyong career.

Mabuti naman nakalipat siya ulit sa ibang manager nang umalis na rin ang dati niyang mga manager na sina Mr. M (Johnny Manahan) at Mariole Alberto, at ngayon may iba nang manager na magagabayan na rin siya ng mga iyon dahil hindi pa man opisyal na sinasabi, nakatalon na rin yata ang dalawa sa GMA.

Definite ang project. May gagawin siyang isang pelikula na kasama si Alden Richards, na matagal na rin namang plano. Kailangan iyon ni Bea dahil siya ang sinasabing “movie queen” na halos dalawang taon nang walang pelikula at iyong huling ginawa niya ay “special participation” lamang siya. Hindi pa siya ang bida.

Kailangan din naman iyon ni Alden para makabawi kung tumagilid man ang serye niya ngayon.

Tapos may sisimulan na raw siyang isang serye na ang leading man naman ay si John Lloyd Cruz. Gagawa na siya ng serye, ibig sabihin kumbinsido na siya sa isang lock in taping.

Kung sakali ngang matuloy iyan, tiyak na pagbabalik ni Bea halos wala na siyang pahinga. Alam naman ninyo ang mga serye ngayon, halos dalawang linggong walang uwian at dahil dagdag na gastos nga pati ang mga hotel na tinutuluyan ng mga artista, talagang paspasan ang kanilang trabaho.

Sa panahon namang dapat siyang magpahinga, tiyak na isisingit naman ang schedule ng kanyang gagawing pelikula. Sana magawang lahat iyan ni Bea.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …