PANAY ang pa-cute ng isang male starlet sa social media, iyon ang gimmick nila para maibenta nila nang mataas na presyo ang mga ukay ukay na nabibili lang naman nila ng murang-mura sa palengke ng Bambang. Pero ganyan lang ang buhay eh, mayroon namang mga biktimang willing, dahil kursunada nila ang poging male star. Binibili nila ang mga ukay-ukay na tinda niyon kahit na mahal.
Sa pagkakataong ito, hindi namin siya masisisi. Sa hirap ng buhay ngayon, talagang kanya-kanyang raket na lang, iniaalok lang naman niya ang kanilang paninda, ngayon kung bibili ka dahil lang sa pogi ang nagbebenta eh nasa iyo na iyon.
Actually may tawag sa mga taong ganyan, eh gustong binobola sila sa kanilang pamimili? Pangit nga lang na sabihin pa namin kung ano ang tawag sa kanila. (Ed de Leon)