I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGSULPUTAN ngayon ang mga baguhang hubadera at hubadero. Matatapang daw maghubad ayon sa mga write-up!
Eh tila ‘yan ang kalakaraan ngayon sa local movies na napapanood via streaming. Tutal naman, walang censorship sa streaming kaya malaya silang nakapaghubad nang hindi mapuputol.
May pera rin siyempre na katapat ang paghuhubad nila. Ewan lang natin kung sapat na ang bayad sa kanila para mabuhay.
Kahit pandemic, bentahe sa manonood ang sex films. Limitado lang naman ang puhunan at puwede silang makabawi kapag nabenta ito sa sikat na streaming platform.