Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career path ni Gabby mala-Eddie at FPJ

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATANDAAN namin, ang madalas na sinasabi noon ng isang mahusay at sikat na star builder, para raw tumagal ang career ng isang artista, ang formula lamang ay ”to retard aging.” Ibig sabihin, hanggang maaari hindi dapat na tumanda ang image ng isang artista. Basta kasi matanda ka na, ang labas mo sa mga role ay nanay sa pelikula. Basta nanay role ka na, o matrona ka, support ka na lang.

Ganoon din naman sa mga artistang lalaki, kaya may umaamin ba maliban na lang kay Eddie Garcia noong araw kung ano ang edad nila? Tingnan ninyo si FPJ, tumanda ba sa kanyang mga pelikula? Sa edad ni FPJ ang mga role niya sa pelikula pang edad 40 lang.

Napansin namin, ganyan din ang ginagawa ni Gabby Concepcion at iyon ang dahilan kung bakit puro mga batang artista ang nagiging leading lady niya, pero sa kuwento may love affair sila at hindi role ng isang dirty old man ang ginagawa niya. Roon sa huli niyang serye, biyudo ang role niya, pero hindi matanda. Na-in love siya sa mas bata sa kanya, na na-in love rin naman sa kanya pero hindi pa rin DOM ang dating niya.

Ang maganda, tanggap naman siya ng mga tao sa mga ganoong role. Kinikilig pa rin ang audience. Mayroon kasing mga gumagawa ng ganyang role na parang nandidiri ang audience eh.

Iyan ang isang bagay na dapat tandaan, basta sa isang pelikula o isang show, parang nandiri ang audience at hindi nila masikmura iyon, hindi makatutulong iyan sa artista baka iyan pa ang maging “the end” ng kanyang career.

Matalino si Gabby. Halos lugmok na ang kanyang career noon kaya nag-abroad. Nang magbalik siya rito ay nakiramdam muna siya. Nakita niyang makababalik pa siya. Aba eh sinamantala niya ang pagkakataon at ngayon nga masasabing nakabalik na siya sa dati niyang status. Isipin ninyong ganoon pa kataas ang ratings ng seryeng ginawa niya, na hindi naabot ng ratings ng sinasabi nilang sikat ngayon.

Masasabi ngang maganda ang handling ni Gabby sa kanyang image at sa kanyang career. Huwag lang siyang magkakamaling gumawa ng roles ng isang dirty old man sa pelikula o serye.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …