Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbara bukod-tanging umaming naging GF ni PNoy

HATAWAN
ni Ed de Leon

TANGING ang dating sexy star na si Barbara Milano ang umamin na naging syota niya ang yumaong dating presidenteng si Noynoy Aquino. Noong araw ang daming nabalitang niligawan niya, at sinasabing naging syota pa, pero si Barbara lang ang umamin.

Marami ring nagawang pelikula noon si Barbara. Natatandaan namin ang Kaulayaw, Tikim Masarap Habang MainitMama SanBiglang Liko at marami pang iba. Bagamat natsismis din noon na niligawan siya ni Noynoy, mukhang may humarang sa mga kuwento. Siguro nga may objections sila sa relasyon dahil na rin sa propesyon at mga pelikulang ginagawa noon ni Barbara.

Maski nga ang kolumnista rin ng Hataw na si Virgilio Gonzales, na talagang kilalang-kilala at kaibigan si Barbara ay tahimik lamang tungkol sa mga bagay na iyon. Ngayong yumao na si Noynoy at saka lang inamin nang husto ni Barbara ang kanilang maikling affair. Noong panahong iyon, congressman pa lang sa Tarlac si Noynoy, at siguro kahit na wala na sila, dahil sa natutuhan ni Barbara sa kanya, kumandidato rin at naging konsehal sa Nueva Ecija.

Natatandaan pa ni Barbara na kung umuuwi sa Times Street noon si Noynoy, dumadalaw iyon sa kanya sa kanilang bahay sa Morato, Quezon City at kung minsan inaabot sila ng madamag sa kuwentuhan lamang. Minsan wala raw security na kasama si Noynoy, iyon pa ang nagda-drive ng sariling sasakyan, na kahit na nga ang nanay niya ang Presidente ng Pilipinas noong panahong iyon.

Madalas din daw na nagpapa-utos pa si Noynoy at nagpapadala ng pagkain sa bahay nila. At hindi nga maubos isipin ni Barbara na siya, na isang karaniwang tao lang ay binibigyan ng panahon ng isang congressman, na anak pa ng presidente ng Pilipinas.

Isipin ninyo, kung nagkatuluyan pala noon sina Noynoy at Barbara naging first lady sana siya.

Pero hindi nga nagtagal ang kanilang relasyon. Basta unti-unti na lang daw nawala, siguro nga pinagbawalan na si Noynoy sa panliligaw niya kay Barbara. Pero para kay Barbara, naaalala niya ang magandang pinagsamahan nila noong araw ni Noynoy.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …