MATABIL
ni John Fontanilla
BONGGA ang Pinay Japan based singer na si Jos Garcia na pinasok na ang pagho-host. Mayroon na itong sariling TV show, ang Goodvibes with Jos Garcia na mapapanood sa Best TV 31 tuwing Sabado, 1:00-2:00 p.m..
Amg TV show ni Jos ay may mga segment na Magkano ang sa’yo?, Presyo mo? bayad ko! na may pahuhulaang produkto na ang makahuhula ay magwawagi produktong pinahulaan.
‘Di rin mawawala ang kantahan dahil aawitan ni Jos ang manonood sa segment na Love Letter, Ang Themesong ng Sulat Mo na after basahin ang napiling sulat ay aawitin nito ang request song ng letter sender.
‘Di lang ‘yan dahil mayroon din itong Free Legal Advice & Guidance sa kanilang segment na FLAG, na puwedeng magtanong ang mga manonood kaugnay sa kanilang legal problems na sasagutin naman ng mga sikat na attorney sa bansa.
Mayroon din itong segment na Moshi Moshi Ano Ine? na magtuturo si Jos ng basic Nihongo (Nihongo made easy). At dito din malalaman ang iba’t ibang tradisyon at kultura sa Japan.
Kaya naman tutok na tuwing Sabado.