HATAWAN
ni Ed de Leon
NATUTUWA raw si Judy Ann Santos dahil sa kabila ng nangyaring pandemya at talagang bumagsak ang negosyo kasabay ng ekonomiya ng bansa, wala isa man sa mga empleado niya sa kanyang restaurant na nawalan ng trabaho. Mabilis kasi ang kanilang desisyon, noong ipasara pati ang mga restaurant, naisip nila agad ang take out at on line deliveries.
Sarado ang kanilang restaurant pero tuloy ang pagluluto at paghahanda ng pagkain.
Una, may mga loyal customer na sila na hinahanap siguro ang luto nila, ganoon din naman ang mga fan ni Juday na natural nakasuporta at bakit nga ba hindi sila magpapa-deliver din kayJuday on line?
Pero kung ibang kapitalista iyan, isasara niyan ang negosyo. Hindi sila susugal sa ganoong sitwasyon pero ang naisip kasi nila ay ang kanilang mga tauhan. Para ring Hataw, lockdown, walang lumalabas ng bahay, walang bibili ng diyaryo, pero naisip ni Boss Jerry Yap na kailangang ipagpatuloy ang paghahatid ng balita, at para magpatuloy din ang hanapbuhay ng mga tauhan ng mga manggagawa.
Ganyan talaga basta may konsiyensiya ang may-ari.