SHOWBIG
ni Vir Gonzales
MALAKING bagay ang participation ni Ara Mina sa action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Nakawawala raw ng antok tuwing nasa eksena ang aktres.
Nagising niya ang damdamin ng mga follower ni Coco Martin.
Nagsasawa na kasi ang ibang manonood sa puro kwentuhan at takbuhan ng mga tauhan ni Cardo Daliday.
Sa pag pasok ni Ara, mismong si Coco ay naaagawan niya ng pansin sa public viewer.
Magaling din at very promising sa sexy role ang tennis player from Angeles City, si Maika Rivera. Imagine maging mga paa n’ya ay niroromansa ni Rowell Santiago sa harap ng hapagkainan. Pero teka, tipong papunta na yatang bold ang mga darating na eksena.
Well, masaya ang mga follower ng Ang Probinsyano hindi na sila aantukin.