Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James kawawa naman… nagtatanim na ng kamote

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG naawa naman kami kay James Reid nang mabalitang naglabas daw siya ng bagong recording ng kanyang kanta. Ipinost lang niya iyon sa social media at mukhang ni walang nag-share niyon. Talaga kasing sariling kayod na lang siya ngayon at aminin na natin na wala naman siyang kakayahan sa promo. Iyong mga kasama naman niyang artists, mga hindi rin kilala at umaasang sumikat dahil nasabit sa kanya. Pero ano nga ang mangyayari kung ganyan?

Noon mas napansin ang ginawa niyang album, dahil todo hype naman ang ginawa roon at panahon iyon ng kasikatan niya. Pero hindi pa rin masasabing naging hit iyon dahil experimental music nga na hindi rin naman nagustuhan ng fans. Noong bumaba na ang popularidad niya bilang artista, ewan nga ba kung bakit naisip niyang mas sisikat siya bilang singer. Ang masama pa, kung kailan bagsak ang music industry dahil sa hindi na mapigil na piracy at saka siya nagtayo pa ng sariling recording company.

Iyong mga datihang recording company nahihirapan sa benta, eh siya pa na hindi naman kabisado ang market ng music sa bansa?

Kawawa naman si James. Ewan kung ano pa ang mababalitaan natin pagkatapos niyan. Bago iyan, ang nabalitaan lang natin ay nagtatanim siya ng kamote at iba pang gulay bilang ambassador ng Department of Agriculture, na natigil din naman dahil sa dami ng problema sa kakulangan ng pagkain at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain na mukhang wala naman silang magawang solusyon.

Sa aminin man o hindi, talaga sigurong nagkamali ng diskarte si James sa pagpapatakbo ng kanyang career. Kailanman, walang naging artistang sumikat man nang todo na hindi lulubog kung magkamali ng diskarte sa takbo ng career niya, at ganyan nga ang nangyari kay James.

Parang naniwala siya na napakatibay na ng kanyang popularidad at kaya na niyang mag-isa, na kahit na ano ang gawin niya sikat na siya. Hindi niya inisip kung hanggang saan sa naabot niya ang bunga lang ng hype. Kaya ngayon, walang nangyayari. Kawawa naman. May hitsura pa naman. Hindi namin sinabing may talent. Ang sinabi lang namin pogi pa naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …