HATAWAN
ni Ed de Leon
MALI naman iyong sinasabihan nilang walang utang na loob ang mga artistang lumilipat ng network kung saan sila makakukuha ng mas mabuti-buting trabaho. Iyong mga nagsasabi ng ganyan, tingnan ninyo kung hindi, basta nagkaroon iyan ng pagkakataon, lilipat din iyan.
Halimbawa nga si Pokwang, oo napasikat siya ng ABS-CBN. Pero ang daming artista ng ABS-CBN at hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, ngayon wala pa silang franchise, hindi ba masasabing for survival ay tama lang ang paglipat ni Pokwang? Ganoon din naman ang sitwasyon ni John Lloyd Cruz. Sikat siya ngayon. Bata pa. Hindi ba dapat samantalahin niya ang pagkakataon para maihanda niya ang sarili kung hindi na siya sikat at hindi na bata? Bakit sasabihing wala siyang utang na loob?
Bakit kung ang network hinahayaan na ang mga artistang sa tingin nila ay walang pakinabang, hindi sila sinasabihang walang utang na loob dahil may pagkakataon namang pinagkakitaan din nila ang mga artistang iyon.covid re 062121