HATAWAN
ni Ed de Leon
SINABI ni Claudia Barretto na sa mga darating na araw ay gusto niyang makagawa ng musika in collaboration sa mga artist ng tinatawag na Manila Sound. Nagsimula iyang era na iyan noong 70s hanggang 80s kung kailan pumasok ang mga mas batang composers, mga batang musikero, na sinuportahan naman ng gobyerno noon nang itatag ang Metro Pop, at naiba nga ang tugtugin ng awiting Filipino na tinawag ngang Manila Sound.
Noong pumasok ang mga bagong artist, na may gumaya kay Michael Jackson, may gumaya kay Asher, tapos may nagpilit ding gumaya kay Phil Collins, naiba na naman ang tunog, pero hindi umabot ang mga iyon sa popularidad ng Manila Sound, kaya tama si Claudia na ang tipo ng musika ng Manila Sound ang gawin.
Narinig namin ang kanta ni Claudia, na ngayong araw na ito ilalabas sa mga music website, iyong Nothing To Do. Maganda naman ang kanta, at maganda rin ang tunog. Mukhang mas may pag-asa iyan kaysa musikang nagawa na niya in the past. Maganda rin ang back up ng kanyang music career dahil nasa Viva siya at alam natin nasa likod din niyan ang Vicor na nagpasikat sa maraming singers in the past.
Mas pinili ni Claudia ang kumanta kaysa mag-artista kahit na maganda siya. Sana magtagumpay naman siya bilang isang singer.