MARAMI na ngayon ang kumakalat na lihim. Nagkukuwento na kasi ang isang gay tungkol sa kanyang naging relasyon sa isang dating sexy male star at bukod sa kuwento, may inilalabas pa siyang mga ebidensiya ng kanilang relasyon. May mga picture na “masyadong revealing” at ang sabi pa sa amin, may mga “personal items” pa raw siyang maaaring ipakita.
Mukhang galit ang gay, kasi iniwan na siya ng sexy male star na sumabit naman sa isang japayuki, na naakan at sustentado raw ng Hapon. Natural, babae na mas madatung pa. Ano nga ba ang laban ng beki?
Pero “authentic” ang mga ebidensiya, sabi ng dating PR man ng male sexy star.
(Ed de Leon)