KAWAWA naman pala ang nangyari sa isang male sexy star. Nalasing kasi siya nang husto sa isang pinuntahang party at nang malasing na nga ay inalalayan siya ng mga kaibigan niyang gays papasok sa isang private room na maaaring magpahinga hanggang sa lumipas ang kanyang kalasingan.
Pero ang sabi, nagpapalitan ang mga bakla sa pagbabantay sa kanya habang siya ay lasing. Hindi natin masabi kung ano ang nangyari habang sila ay “nagbabantay.” Ang nakatatakot, baka may video pa. Dahil lahat daw ng lumabas sa room ay nakangiti.
Kinabukasan na raw nawala ang kalasingan ng male star at nakauwi, pero “mukha siyang hinang-hina.”
(Ed de Leon)