Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA’s leading men kabado sa pagpasok ni John Lloyd

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGING trending sa social media, at nagrehistro ng mataas na ratings sa isang overnight survey ang paglabas ni John Lloyd Cruz sa isang special na inilabas sa GMA 7. Pinag-uusapan na rin ngayon ang sinasabing paggawa niya ng isang prime time series na makakasama niya ang komedyante at tila adviser niya ngayong si WillieRevillame at posibleng si Andrea Torres din.

Naroroon din sa audience si Maja Salvador na tinatawag ni Lloydie na “Miss M,” na sinasabing siyang tumatayong manager niya ngayon. Hindi rin naman nila ikinaila na nakikipag-negosasyon na si John Lloyd sa mga executive ng network, particularly kay Annette Gozon Valdez, tungkol sa posibilidad ng kanyang tuluyang paglipat sa Kamuning.

Palagay namin mas lalo ngayong tumindi ang interest ng mga taga-Kamuning kay John Lloyd dahil napatunayan na kahit na guest appearance lamang niya ay nakapag-rehistro siya nang mataas na ratings, ibig sabihin hindi nabawasan ang paghanga ng mga tao sa kanya sa kabila ng ilang taon niyang absence at sa halip lalo pang nanabik ang mga fan na siya ay mapanood na muli.

Mabilis naman ang reaksiyon ng mga Kapuso leading ladies na lahat ay bumati ng welcome kay John Lloyd. Una na nga riyan sina Jennylyn Mercado at Sanya Lopez, na sinundan din ng iba pa.

Para sa kanila ay napakagandang balita nga kasi ng paglipat ni John Lloyd dahil nangangahulugan iyon na posibleng makatrabaho nila ang mahusay na actor, at idagdag mo pa roon ang matindng audience impact na nangangahulugang mas marami rin ang makakapanood at makakapansin ng kanilang performance. Posible ring sa pagbubukas ng mga sinehan ay posibleng makatambal sila ng mahusay na actor sa pelikula, na dati ay ambisyon nga lang nila dahil nakatali pa iyon noon sa ABS-CBN.

Ang medyo apektado naman diyan ay ang mga leading men sa Kamuning. Kung dati ay sila-sila lamang ang magkakalaban, ngayon may matindi na silang kakompitensiya na bukod sa isang magaling na actor, talagang subok na rin ang rating at box office potentials. Mahirap kalaban iyan.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …