Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
abs cbn

ABS-CBN sinaluduhan ang mga artistang nanatili sa kanila

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANATILI namang tahimik ang mga taga-Mother Ignacia kahit na marami na silang stars na nagtalunan sa ibang networks pero nang lumabas na si John Lloyd Cruz sa network sa Kamuning, mabilis sila sa kanilang pralala na ikino-quote ang kanilang Chairman Emeritus na si Gabby Lopez na nagsabing marami nang mga artistang nagdaan sa ABS-CBN, pero ang mga star ay nawawala, nalalaos, pero ang network ay nananatili.

Sinabi rin nilang saludo sila sa mga star na nananatili sa ABS-CBN sa kabila ng sitwasyon niyon sa ngayon. Marami nga kasing bagong dagok sa network, una na nga iyon kanilang properties na inilagay sa mortgage registration ng mga pinagkakautangan nilang banko na hindi nila nababayaran simula nang ipasara ang network.

Ikalawa, ang mukhang lumabong pagbabalik nila sa 2023 kung hindi nga bibitiw ang kasalukuyang administrasyon. Huwag ninyong sabihing papayagan ng mga kakampi ni Presidente Digong na mabuksan ang network na sinabi niya na haharangin ang franchise.

Aba sa ganyang sitwasyon, dapat nga nilang saluduhan ang mga artistang nanatili sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …