Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Project ni Alden kay Jasmine nakatatakot

ISINANTABI raw muna ang project ni Alden Richards na kasama si Bea Alonzo, at ang uunahin na raw muna niya ay isang serye na pagtatambalan nila ni Jasmine Curtis Smith? Tama bang desisyon

iyon? Sa tingin namin maaaring tama sila kung matagal nang naghihintay si Alden at hindi pa nga maliwanag ang kanilang deal kay Bea. Kung hindi ganoon ang dahilan at gusto lang nilang unahin ang kanilang serye, baka mali iyon.

Malakas ang following ni Alden, pero kailangan malakas din ang kanyang leading lady. Putok nang todo ang kanyang popularidad noong naging love team sila ni Maine Mendoza. Nang umamin si Maine na may syota siyang iba, lumamig din ang popularidad ni Alden.

Nakabawi siya nang itambal kay Kathryn Benardo, pero duda kami sa chemistry nila ni Jasmine. Palagay naming mahihirapan si Alden na buhatin si Jasmine, na wala pang nagagawang big hit.

Kaya nga sa totoo lang. nakatatakot iyang project na iyan. Mas sigurado sana siya kung ang leading lady niya ay si Bea.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …