UNTI-UNTI nang nagbubukas ang network sa Kamuning ng kanilang mga digital channel. Oras na maipatupad na ang paglipat natin sa digital broadcast, mas dadami talaga ang television channels, depende sa kakayahan ng network. Iyong isang frequency na dati ay nagagamit lamang ng isang estasyon sa analog broadcast, magagamit iyan ng hanggang anim na digital channels.
Sinimulan na nga iyan noon doon sa Mother Ignacia eh, nang mag operate sila ng ilang digital channels kaya sila naglabas ng blackbox, at nag-take over pa sa operation ng isang maliit na network na nagagamit din nila ang frequency, kaso naudlot nga sila nang mag-expire ang kanilang franchise at hindi na sila binigyan ng bago. Mali iyon naman iyong sabihing ipinasara sila, nag-expire ang kanilang franchise, at hindi sila binigyan ng bago para makapagpatuloy. Sa simula’t simula naman sinabi na kung ano ang gagawin sa kanila eh.
Sa pagdami ng mga channel, maaari ring makapag-blocktime ang ABS-CBN sa isa sa kanila para makabalik on the air kagaya nang dati, hindi man sila makakuha ng franchise. Pero hindi nila maaasahan diyan ang mga dati nilang kakompitensiya sa Kamuning siyempre. Maghihintay pa rin sila ng ibang networks.
HATAWAN
ni Ed de Leon