NAGISING kami isang madaling araw, at ang palabas sa telebisyon ay isang lumang pelikula, iyong Bakit Bughaw ang Langit.
Isa iyon sa mga unang pelikula ng actor at dating congressman na si Dennis Roldan. Bata pa at baguhan si Dennis pero ipinagkatiwala sa kanya ang isang napakabigat na role.
Isa siyang basketball player, sa isang game ay sinahod ng kalaban, nabagok ang ulo at nasira ang katinuan. Mahusay na nagampanan ni Dennis ang role. Talagang baguhan man, masasabi mong magaling siyang actor. Napag-usapan nga namin kinabukasan ng isa pang kaibigang nakapanood din at pareho kaming nagsabi na kung iisipin mo, wala sa kalahati ang acting ng kanyang anak na si Marco Gumabao sa ngayon.
Nai-handle naman kasi si Dennis ng mga mahuhusay na director at iba ang sistema ng paggawa ng mga pelikula noong araw.
HATAWAN
ni Ed de Leon