Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga
Diego Loyzaga

Diego uusad ang career kahit ‘di maghubad

MATAPOS na magdiwang ng kanyang 24th birthday, nagpasalamat si Diego Loyzaga sa lahat ng mga taong sinasabi niyang sumuporta sa kanya sa simula’t simula. Siyempre una na ang nanay niyang si Teresa Loyzaga, na siya namang nangalaga sa kanya at nagbigay ng lahat ng kanyang pangangilangan simula nang ipanganak siya.

Binanggit din niya ang mga kapatid pa ng kanyang ina gayundin ang mga pinsan niyang mula sa pamilya Gibbs. Hindi niya nakalimutan ang tatlo niyang kapatid na babae at ang kanyang Tita Sunshine Cruz, na sinasabi niyang talagang napaka-close sa kanya at mahal niya.

Siyempre special mention ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial na sinasabi niyang malaki ang naitulong sa ginawa niyang pagbabago sa buhay.

Nagkaroon din naman ng crisis sa buhay si Diego. May mga bagay na siguro nga hindi niya nasakyan agad, na sa tingin niya ay mali pero hindi niya natanggap agad na hindi na niya mababago at wala na nga siyang magagawa. Napahamak din siya dahil sa crisis na iyon, pero mabuti naman at mabilis siyang nakabawi. Nailagay nga sa tama ang kanyang buhay at ngayon ay naging maayos na siya. Maski na ang kanyang career, umuusad na ulit ngayon at siguro kung magbabalik na nga sa normal ang lahat, mas magiging matibay pa ang career niya. Hindi lang naman kasi pogi si Diego, marunong din siyang umarte. Kung sabihin nga ”dugong Loyzaga” yata iyan at mula sa kanilang angkan ay nanggaling ang maraming magagaling na artista.

May mga nagsasabing mukhang may hindi binanggit si Diego. Huwag na nating usisain iyon. Siguro nga ayaw na niyang banggitin at wala naman talagang dahilan para banggitin pa niya. Nagmo-move on na nga iyong tao sa ngayon eh.

Kung magagawa lamang na magtuloy-tuloy ang takbo ng kanyang career sa kasalukuyan kahit na sabihin mong tagilid ang entertainment business, uusad pa rin ang career ni Diego bilang isang actor. Kung iisipin, kailagan naman natin iyong mga may talent talaga kagaya ni Diego, kaysa naman sa ang itinutulak ay mga artistang wala namang K kundi malalakas lang ang loob na maghubo.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …