NAKARANAS ng tinatawag na writer’s block si Janno Gibbs kaya ngayon lang siya nakakumpleto ng isang kantang swak sa panahon ngayon.
Ito ay ang latest single niyang Pagmalakasan under Viva Records matapos matengga ng mahigit isang dekada sa recording scene.
“Marami akong kantang nasimulan. Pero hindi ko matapos-tapos. Ito lang ‘Pangmalakasan’ ang natapos ko.
“Hindi ito the usual hugot song. Funky and upbeat. Pero nandoon pa rin siyempre ‘yung kinagiliwang tatak natin sa mga tao,” pahayag ni Janno sa virtual launch ng single.
Best know si Janno sa rendition niya ng VST Original na Ipagpataad Mo at ang song niyang Pinakamagandang Lalake.
Eh kumusta naman siya ngayon after ng issue sa kanila ni Kitkat na nakasama niya sa noontime show sa Net 25?
“I don’t hold grudges. Sinubukan kong mag-reach out sa kanya through her manager. Wala eh.
“Hindi na ako nakabalik sa show. Malungkot ako dahil kasama ka pa naman doon si Anjo (Yllana),” kuwento ni Janno.
Bukod sa pagkanta, may nagawa ring movie si Janno under Viva Films. Ito ay ang Hard Day ni Dingdong Dantes at ang Mang Jose na isa siyang super-hero. Ang Mang Jose ay mula sa sikat na kanta ng Parokya ni Edgar.
Take note na sa Mang Jose, leading ladies niya sina Manilyn Reynes at asawa niyang si Bing Loyzaga, huh!
Of course, married na si Manilyn kaya nakabaon na sa limot ang anumang naging issue sa kanila noon ni Bing, huh!
“Magkasama kaya sila sa isang tent. Kaya ‘pag pumapasok ako, ako ang pulutan nila! Hehehe!” sey ni Janno.
Available na sa Spotify, Apple Music at iba pang streaming platforms ang Pangmalakasan song ni Janno.
I-FLEX
ni Jun Nardo