Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit nga ba tayo sumasali sa mga beauty contest?

ANG sinasabi nga namin, bagama’t alam naman nating kaya nila ginagawa iyon ay dahil gusto nilang manalo, sana maibalik ang panahon na ang inilalaban sa mga international beauty contests ay mga tunay na Filipina.

Kung iisipin ninyo, sino ba ang unang Pinay na nagbigay sa atin ng Miss Universe title, hindi ba si Gloria Diaz na 100% Pinay. Sino ang ikalawang nagbigay sa atin ulit ng title na iyan, hindi ba si Margarita Moran na isa ring tunay na Pinay?

Ang sumunod si Pia Wurtzbach, na walang duda at maliwanag

namang mas matimbang ang German blood kaysa nakuha niya sa nanay

niya. Ipinanganak siya sa Stuttgart, Germany, na ibig sabihin, noong

ipanganak siya ay talagang German national siya, kahit na Pinay ang nanay niya. Lumipat sila sa Pilipinas kung saan siya nagsimulang mag-aral at tapos ay nagtungo naman siya sa England. Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, nag-model at artista nga. Una siyang nakilala bilang Pia Romero, tapos naging Pia Alonzo, pero nang maging beauty queen lumabas ulit ang kanyang German family name na Wurtzbach.

Mas matindi naman si Catriona Gray. Matapos siyang manalo, ang sinasabi ng Australia ay sila ang may karangalan dahil si Catriona ay isang Australian. Australian ang tatay niya at doon siya lumaki. Isa siyang citizen. At sa pangalan pa lang na Catriona, hindi na Pinay iyan. Iyong apelyidong Gray, lalong hindi Pinoy iyan.

Ngayon naman, ang natalong kandidato natin sa Miss Universe ay si Rabiya Mateo. Pangalan pa lang, Rabiya, hindi na Pinay iyan. Nakuha niya iyan dahil ang tatay niya ay isang Indian national. Iyong pangalang Rabiya talagang sa tunog pa lang Bumbay na iyan.

Kaya nga kami, hindi kami interesado sa mga beauty contest na iyan dahil manalo ka man hindi mo lubusang maaangkin dahil lahat halos ng ipinadadala nating beauty queens ay may dugong dayuhan.

Talaga bang sumasali lamang tayo para manalo, o gusto rin nating makilala nila ang ating lahi na may magaganda rin namang mga kababaihan? Hindi ba ipinagmamalaki natin na tayo ay “lahing kayumanggi,” bakit ang pinipili natin ay mga may dugong dayuhan na kung makikita mo hindi mo sasabihing Pinay?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …